Nokia 220 4G User guide
MGA NAKA-IMPLANT NA MEDICAL NA DEVICE
Para maiwasan ang posibleng interference, inirerekomenda ng mga manufacturer ng mga
ini-implant na medical na device ang minimum na 15.3 sentimetro (6 na pulgada) na layo sa
pagitan ng wireless na device at ng medical na device. Ang mga taong may mga naturang
device ay dapat:
• Palaging ilayo ang wireless na device nang
higit sa 15.3 sentimetro (6 na pulgada)
mula sa medical na device.
• Huwag ilagay ang wireless na device sa
isang bulsa sa dibdib.
• Hawakan ang wireless na device sa
kabilang tainga kung saan wala ang
medical na device.
• I-off ang wireless na device kung may
anumang dahilan para maghinala na
nagkakaroon ng pag-antala.
• Sundin ang mga direksyon ng
manufacturer para sa naka-implant na
medical na device.
Kung mayroong kang anumang mga katanungan tungkol sa paggamit ng iyong wireless na
device sa isang naka-implant na medical na device, kumonsulta sa iyong health care provider.
PANDINIG
Babala:
Kapag ginamit mo ang headset, maaaring maapektuhan ang iyong kakayahang
marinig ang mga tunog sa labas. Huwag gamitin ang headset kung saan maaari nitong ilagay
ang iyong sarili sa panganib.
Maaaring makagambala ang ilang wireless na device sa ilang hearing aid.
PROTEKTAHAN ANG IYONG DEVICE MULA SA MAPAMINSALANG NILALAMAN
Maaaring malantad ang iyong device sa mga virus at iba pang mapaminsalang nilalaman. Gawin
ang mga sumusunod na pag-iingat:
• Maging maingat kapag nagbubukas ng
mga mensahe. Maaaring maglaman ang
mga iyon ng nakakahamak na software o
kung hindi man ay mapaminsala sa iyong
device o computer.
• Mag-ingat kapag tumatanggap ng mga
hiling sa pagkonekta, pag-browse sa
internet, o pag-download ng nilalaman.
Huwag tanggapin ang mga koneksyon sa
Bluetooth mula sa mga pinagmulan na
hindi mo pinagkakatiwalaan.
• I-install at gamitin lang ang mga serbisyo
at software mula sa mga pinagmulan na
pinagkakatiwalaan mo at nag-aalok ng
sapat na seguridad at proteksyon.
• Mag-install ng antivirus at ng iba pang
software ng seguridad sa iyong device
at anumang nakakonektang computer.
Gumamit lang ng isang app ng antivirus
sa isang pagkakataon. Maaaring
maapektuhan ng paggamit ng marami
ang paggana at pagtakbo ng device at/o
computer.
• Kung nakapag-access ka ng mga naka-
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
25