Nokia 220 4G User guide
preinstall na bookmark at mga link sa mga
third party na internet site, gawin ang mga
naaangkop na pag-iingat. Hindi ineendorso
o inaako ng HMD Global ang pananagutan
para sa mga naturang site.
MGA SASAKYAN
Maaaring maapektuhan ng mga radio signal ang hindi wastong nai-install o hindi sapat na
napoprotehtang mga electronic system sa mga sasakyan. Para sa higit pang impormasyon,
makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong sasakyan o mga kagamitan nito. Mga
awtorisadong tauhan lang ang dapat mag-install ng device sa sasakyan. Maaaring mapanganib
ang may depektong pag-i-install at mapapawalang-bisa ang iyong warranty. Regular na tiyaking
nakakabit at gumagana nang maayos ang lahat ng wireless na device na kagamitan sa iyong
sasakyan. Huwag mag-imbak o magdala ng mga materyales na nagliliyab o sumasabog sa
parehong pinaglalagyan ng device, mga piyesa nito, o mga accessory. Huwag ilagay ang iyong
device o mga accessory sa lugar ng labasan ng air bag.
MGA KAPALIGIRANG POTENSYAL NA SUMASABOG
I-off ang iyong device sa mga kapaligirang potensyal na sumasabog, tulad ng malapit sa
mga pump ng gasolinahan. Maaaring magdulot ng pagsabog o sunog ang mga pagkislap na
magreresulta sa pinsala o kamatayan. Pansinin ang mga pagbabawal sa mga lugar na may fuel;
planta ng kemikal; o kung saan kasalukuyang isinasagawa ang mga operasyong pagpapasabog.
Maaaring walang malinaw na marka sa mga lugar na may kapaligirang potensyal na sumasabog.
Ang mga ito ay kadalasang mga lugar kung saan ay inaabisuhan ka na i-off ang makina mo,
sa ilalim ng mga bangka, mga pasilidad sa pagsasalin o imbakan ng kemikal, at kung saan
nagtataglay ang hangin ng mga kemikal o mga partikulo. Alamin sa mga manufacturer ng mga
sasakyan na gumagamit ng liquefied petroleum gas (tulad ng propane o butane) kung ang
magagamit nang ligtas ang device na ito sa kanilang kinaroonan.
IMPORMASYON SA SERTIPIKASYON (SAR)
Nakatutugon sa mga alituntunin para sa pagkakalantad sa mga radio wave ang mobile device
na ito.
Ang iyong mobile device ay isang radio transmitter at receiver. Idinisenyo ito upang hindi
lumampas sa mga limitasyon para sa pagkakalantad sa mga radio wave (mga radio frequency
electromagnetic field), na inirerekomenda ng international na alituntunin para sa hiwalay
na siyentipikong organisasyon ICNIRP. Pinagsasama-sama ng mga alituntuning ito ang mga
sapat na palugit na pangkaligtasan na inilaan para matiyak ang proteksyon ng lahat ng tao
anuman ang edad o kalusugan. Ang mga alituntunin sa pagkakalantad ay nakabatay sa Specific
Absorption Rate (SAR), na isang pagpapahayag ng dami ng lakas ng radio frequency (RF) na
nailalagay sa ulo o katawan kapag nagta-transmit ang device. Ang limitasyon ng ICNIRP SAR
para sa mga mobile device ay 2.0 W/kg na na-average sa 10 gramo ng tissue.
© 2019 HMD Global Oy. Nakalaan ang lahat ng karapatan.
26